Monday, 17 December 2012

Pilipino ka kung...

  • Sumasagot ka sa "Pssssst..."
  • Tumuturo ka gamit ang labi mo.
  • May mga kamag - anak ka na ang palayaw ay Jing-Jing, Bong-Bong o Che-Che.
  • Ginagamit mong trash bag ang shopping bags.
  • May higanteng kutsara at tinidor na naka-display sa bahay niyo.
  • May piano kayo sa bahay pero wala namang marunong tumugtog.
  • May tabo kayo sa kubeta.
  • Nagkakamay ka kapag kumakain.
  • Hinihimay mo yung ulam mo gamit ang kutsara at tinidor imbis na kutsilyo at tinidor.
  • Hindi kumpleto ang umagahan, tanghalian oh hapunan mo kapag walang kanin.
  • Nagmamano ka sa mga matatanda.
  • Nagkakaraoke ang mga bisita mo lalo na kapag may birthday party.
  • Hindi ka nandidiri sa balut.
  • Nilalagyan ng hotdog at asukal ng nanay mo ang spaghetti.
  • Nagtatanggal ka ng sapatos bago pumasok sa bahay.
  • Alam mo ang ibig sabihin ng "Filipino Time."
  • Hindi lang fairytale character si Goldilocks para sayo.
  • Hindi ka aalis sa birthday ng walang take out.
  • Higit sa 10 magkakapatid yung nanay at tatay mo.
  • Eksherada ang nanay mo kapag gingising ka sa umaga. Sasabihin alas-dose na pero alas onse palang.
  • Kapag di mo maalala yung pangalan ng tinutukoy mo sasabihin mo "Si Ano"
  • Hangga't pwede pang pagkasyahin sa jeep, tricycle oh motor eh gagawin.
  • Gusto mo ang Balck Eyed Peas kasi Pilipino si Apl D Ap.
  • Paborito mo ang taho!
  • Naniniwala ka na masamang magsayang ng pagkain.
  • Naeexcite ka kapag may nakitang kang Pinoy sa American Channel.
  • Katumbas ng "Oo" ang pagtango ng ulo mo.
  • Katumbas ng "Oo" ang pagtaas ng kilay mo.
  • Hindi lang brand ng sapatos ang Adidas.
  • Pag bumibili ka sa tindahan ang sinasabi mo ay "Pabili nga po ng colgate yung close up," "Pabili nga po ng sunsilk yung Palmolive."

No comments:

Post a Comment